Updates Regarding Travel Capacity

Facebook
Twitter
LinkedIn
Gmail

POLO itself made that announcement to inform all what is happening

2,500 passengers only the capacity our airport accomodate everyday how many ofws all over the world wants to go home either vacation or finish contract..

Even group of agencies here planned to make a charter or special flight but the response of Philippine airline is that travel capacity.

– Foreign Recruitment Agency

Inuulit po namin ang panawagan na huwag muna umuwi ng pinas kung bakasyon lang ang dahilan. Pahirapan ngayon ang pag uwi dahil sa mga sumusunod:

1. Kakaunti ang flights;

2. Kukunti na nga flights ngayon, lagi pa naka cancel;

3. Higit pa sa 200% ang halaga ng ticket ngayon kumpara sa normal na halaga nito; at

4. Ang hirap mag pa book ng ticket at kadalasan ay sa 2022 na ang next available flight;

5. Ubos din ang araw mo sa mga quarantine facilities at gastos ka pa ng mga swab tests sa pinas.

Ang dahilan kung bakit pahirapan sumakay ngayon ay dahil limitado ang pinapalapag sa Pilipinas na mga arriving passengers dahil napupuno daw ang mga Quarantine facilities sa Pilipinas.

Yung mga patapos na ang kontrata ay kung kaya pa magtrabaho ng ilang buwan ay pinapayuhan din namin na ipagpaliban din ang agarang pag uwi. Mahal po masyado ang ticket at di rin basta basta maka book ng maagang flight. Hayaan nalang muna natin na ang mga distress OFWs ang maunang umuwi kesa sa atin.

Kunting tiis lang kabayan at huhupa din ang pandemyang ito. Ipadala na lang sa pamilya sa pinas ang budget sa pag uwi.

Kung kontrolado sana natin ang mga flights at mga covid protocols sa pinas, lahat po kayo ay ipapasakay natin kaagad. Pero wala po tayo kapangyarihan ng ganun. Kaya, maraming bumibili ngayon ng pagkamahal na tickets, pero cancelled naman flights at stranded mga kabayan natin sa airport. Ang masaklap ay yung walang pang hotel pag sila ay na stranded.

Gabayan sana tayo lahat ng maykapal.

Salamat po.

Related Articles

Notice to the Public

Notice to the Public! This group is not authorized and managed by the company, Philcango International Recruitment Services Inc., all transactions made and entered into

Read More »

APPLY NOW